Mga Saklaw ng Paksa

Inaanyayahan ang mga estudyante, iskolar, guro, at mananaliksik na magsumite ng kanilang mga orihinal at makabuluhang pananaliksik para sa nalalapit na isyu ng BUSLO Journal. Layunin ng publikasyong ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng kaalamang akademiko, magsulong ng kritikal na diskurso, at magbigay-linaw sa mahahalagang usapin sa iba’t ibang larang ng pag-aaral.

Para sa maayos at madaling proseso, sundin lamang ang nakalaang Author Submission Portal upang ma-upload ang inyong manuskrito, subaybayan ang kalagayan ng pagsusuri nito, at makipag-ugnayan sa editor.

Mga Saklaw ng Paksa (Aim and Scope)

Tinatanggap ang mga papel mula sa iba’t ibang disiplina, kabilang ngunit hindi limitado sa:

Agham Panlipunan
Edukasyon
Wika
Kultura
Sining
Panitikan
Kulturang Popular
Ika-21 Siglo ng Pagtuturo at Pagkatuto
Pagpaplano at Polisiyang Pangwika
Panunuring Pampanitikan
Pelikula
Media at Komunikasyon
Pedagohiya sa Wika at Panitikan
Diskurso
Digital at Teknolohiyang Pang-edukasyon
Pagsasalin
Sitwasyong Pangwika
Kurikulum sa Filipino