About the Journal

Ang BUSLO ay isang refereed na dyornal na inililimbag ng Lumina Foundation for Integral Human Development. Ang BUSLO, ayon sa Pambansang Diksiyonaryo sa Filipino, ay basket na makipot ang bibig, maaaring masinsin o maluwang ang pagkalala at may takip. Tulad ng pinaghanguan nitong salita, ang dyornal ay magsisilibing sisidlan o lagakan ng mga papel pampananaliksik na dumaan sa masusing pagsusuri at pagsisiyasat.  

Ang Buslo ay  nakatuon sa mahahalagang usapin at konsepto mula sa iba’t ibang larang tulad ng wika, kultura, sining, panitikan, edukasyon, at sa lipunang kinabibilangan  na naglalayong isulong ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Kaugnay nito, tanging mga papel na nakasulat sa wikang Filipino ang tinatanggap para sa publikasyon.

Inilalathala ang Buslo sa anyong online at nakalimbag, dalawang beses sa isang taon, tuwing Mayo at Nobyembre. 

Bukas ang pagtanggap ng mga papel pampananaliksik at artikulo sa buong taon.