About the Journal

Ang BUSLO ay isang refereed na dyornal na inililimbag ng Lumina Foundation for Integral Human Development. Ang BUSLO, ayon sa Pambansang Diksiyonaryo sa Filipino, ay basket na makipot ang bibig, maaaring masinsin o maluwang ang pagkalala at may takip. Tulad ng pinaghanguan nitong salita, ang dyornal ay magsisilibing sisidlan o lagakan ng mga papel pampananaliksik na dumaan sa masusing pagsusuri at pagsisiyasat. 

Announcements

Panawagan sa Kontribusyon (Call for Contributions)

04/30/2026

Inaanyayahan ang mga estudyante, iskolar, guro, at mananaliksik na magsumite ng kanilang mga orihinal at makabuluhang pananaliksik para sa nalalapit na isyu ng BUSLO. Layunin ng publikasyong ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng kaalamang akademiko, magsulong ng kritikal na diskurso, at magbigay-linaw sa mahahalagang usapin sa iba’t ibang larang ng pag-aaral.

Huling araw ng pagsusumite: Agosto 20, 2026

Read more about Panawagan sa Kontribusyon (Call for Contributions)