Panawagan sa Kontribusyon (Call for Contributions)

04/30/2026

Inaanyayahan ang mga estudyante, iskolar, guro, at mananaliksik na magsumite ng kanilang mga orihinal at makabuluhang pananaliksik para sa nalalapit na isyu ng BUSLO. Layunin ng publikasyong ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng kaalamang akademiko, magsulong ng kritikal na diskurso, at magbigay-linaw sa mahahalagang usapin sa iba’t ibang larang ng pag-aaral.

Para sa maayos at madaling proseso, sundin lamang ang nakalaang Author Submission Portal upang ma-upload ang inyong manuskrito, subaybayan ang kalagayan ng pagsusuri nito, at makipag-ugnayan sa editor.

Mga Saklaw ng Paksa

Tinatanggap ang mga papel mula sa iba’t ibang disiplina, kabilang ngunit hindi limitado sa:

  • Agham Panlipunan
  • Edukasyon
  • Wika
  • Kultura
  • Sining
  • Panitikan
  • Kulturang Popular
  • Ika-21 Siglo ng Pagtuturo at Pagkatuto
  • Pagpaplano at Polisiyang Pangwika
  • Panunuring Pampanitikan
  • Pelikula
  • Media at Komunikasyon
  • Pedagohiya sa Wika at Panitikan
  • Diskurso
  • Digital at Teknolohiyang Pang-edukasyon
  • Pagsasalin
  • Sitwasyong Pangwika
  • Kurikulum sa Filipino

 

Tinatanggap na wika:       Filipino

Dalas ng Paglalathala:      2 Isyu kada Taon (Mayo at Nobyembre)

 

Mahahalagang Petsa

Huling araw ng pagsusumite: Agosto 20, 2026

Resulta ng pagsusuri: Setyembre 15, 2026

Target na publikasyon: Nobyembre 30, 2026